Friday, May 30, 2014

Para kay Tatay

Noong bata pa ako, masaya lagi ang weekends. Biyernes pa lang mag-aayos na kami para pumunta sa dati naming tinirhan. Doon kami maglalaro, kakain, matutulog, doon kami titira ng dalawa o minsan tatlong araw.
Kada linggo ganoon ang aming ginagawa. Noong naging high school na ako hanggang naging estudyante sa kolehiyo, Sunday nalang kami nakakapunta. Kahit nagtrabaho na ako ganun parin. Kung wala din namang importanteng gagawin o lakad pag weekend sigurado napunta ako doon. Masasabi kong halos lahat ng weekend ng buhay ko nandon ako.

Nakakasabik umuwi sa bahay na yon. Di ko alam kung bakit pero hindi kumpleto ang linggo ko pag hindi nakakauwi doon. Isa lang ang dahilang nakikita ko kung bakit ako masaya, kung bakit ako naeexcite pumunta kasi nandoon ka. Nandoon ka na tatay namin. 

Naalala ko pag hindi kami nakakapunta sayo ng weekends, pagpasok namin ng Lunes sa school makikita kita sa may gate nagaantay. Bibigyan mo ako ng pambaon o kya minsan sa hapon ka pumupunta iniintay mo ang pag-uwi ko tapos kakain tayo sa kung saang malapit na makakainan tapos uwian na. Uwi na ako sa bahay namin tapos uwi ka na din. 

May mga araw din na sinasama mo ako bumili ng gamot mo o kaya pumunta sa banko tapos kakain tayong dalawa. Halos lahat ng hingin ko binibigay mo pati panglaro sa video games binibigyan mo ko. 

Minsan naman kapag napapainom ka kasama ang mga kaibigan mo, sinasamahan kita. Kahit gabihin ka at malasing kasama mo ako. O kaya kapag gabi na at wala ka pa, halos buong baranggay iikutin ko para makita ka. Sabay tayo uuwi. Minsan mautak ka papatulugin mo ko tapos aalis ka ulit kaso magigising naman ako para sundan ka. 

Pinag-aral mo ako noon tumugtog ng saxophone kasi gusto mo maging musikero ako. Kamukha daw ako ng tatay mo kaya gusto mo sax ang hawak ko kasi sax player din sya. Nakita ko natutuwa ka kapag nagppraktice ako, naexcite ka din noong unang beses na napatunog ko yung instrumento. Alam ko masaya ka kaso dumating ang oras na umayaw ako. Nabigo kita pero wala ako narinig mula sayo. Pagdating ko ng highschool ganun din, sinubukan mo pag-aralin ako, clarinet naman. Ikaw pa mismo ang pumupunta sa bahay nung magtuturo sakin kahit mejo malayo sa inyo para lang masiguro mo na maturuan ako. Pero muli, binigo kita.

Hanggang sa pumasok ako ng kolehiyo. Pumunta parin ako sayo pag Linggo. Pagdadating ko ipaghahanda mo na agad ako ng breakfast. Kapag wala, lalabas ka para ibili ako. Aasikasuhin mo ako na parang bisita. Pag may bago kang damit imbes na isuot mo ibinibigay mo sakin. Ramdam ko kung paano ka magmahal.

Kapag may okasyon lalo na pag Pasko hindi kumpleto pag hindi ako pupunta sayo. Di ka nagbibigay ng pamasko kasi wala ka naman trabaho pero ako binibigyan mo ng patago para hindi nila makita. O kaya naman kapag Undas tayo lage magkasama, sabay tayo napunta sa puntod ni nanay tapos sabay din tayo uuwi. Habang pauwi ittreat mo ako sa may hidden tapsihan, tayong dalawa lang hindi alam nung iba. kahit nagttrabaho na ako gusto mo ikaw parin magbabayad.

Nung pumasok ako sa seminaryo, nilihim ko sayo. Di ko kasi alam kung matutuwa ka sa ginawa ko. Yung linggo-linggo na nagkikita tayo biglang nawala. Pag nakakauwi ako gusto kitang puntahan kaso di ako handa na ipaalam sayo na nasa seminaryo na ako. Lagi mo daw tinatanong bakit di ako napunta, alam ko tay miss mo din ako. 

Nitong huling pasko ramdam ko na miss mo ako. Kasi pagkita mo sakin niyakap mo ako ng mahigpit, di mo naman yun ginagawa dati.

Dami kong ala-ala sayo. Mga pangaral, mga karanasan kasama ka at higit sa lahat yung pagmamahal mo.
Tahimik kang tao, sayo ko ata namana ang pagiging tahimik. Simpleng tao ka lang di nga ata kita nakita nagsuot ng mamahaling damit. Kapag meron ka minsan binibigay mo pa sakin. Pati mga masasarap mong luto lagi kong maaala-ala. Tahimik ka lang pero the most genuine gestures of love nakita at nadama ko sayo.

Ngayong wala ka na Tatay di ko alam kung paano ko malalagpasan ito.
Noong mga panahon na hindi tayo nagkikita sabi nila lagi mo daw ako hinahanap, lagi mo daw ako iniintay kung kelan ako dadalaw ulit sayo. Pati iba mong kapitbahay tinatanong mo kung nakkikita nila ako pag linggo. Merong hindi ko kilala bigla ako binati at sinabi lagi mo nga daw ako hinahanap.

Akala ko maraming hindi alam na nasa seminaryo ako yun pala pati mga kaibigan mo pinagkwentohan mo na nagpapari ako. Sabi nila masaya ka daw nung nalaman mo. 

Hindi ko inakala ganon mo pala ako kamiss. Dami ko pa naman sanang plano, isasama pa kita sa seminaryo sa family weekend namin tapos ipaparinig ko din sayo na marunong na ako tumugtog ng saxophone na pinangarap mo dating matutunan ko. Kaso sayang tay, iniwan mo na ko. 

Dami nagmamahal sayo, kita ko yan sa dami ng nagulat, nalungkot, nagdalamhati sa pagkawala mo pati na rin sa mga nagparangal sa yo.

Pasensya ka na lage kita pinaghihintay. Miss na miss na din kita kala ko nga magkikita na tayo ngayong bakasyon ko kaso naman umalis ka na. Ito na ang pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko. Salamat parin tatay, alam ko masaya ka diyan kasama ang nanay Linda, mga magulang mo at pati mga kapatid mo at higit sa lahat kasama mo na ang diyos. Alam ko naman na malapit ka sa kanya, pagising mo palang alam ko lagi sya ang una sa buhay mo. 

Salamat Tatay, mahal na mahal kita. Lagi kita mamimiss. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Wednesday, October 16, 2013

I Make All Things New

Maraming tao ang naghahangad ng bagong buhay, maging sa praktikal man o spiritual na aspekto ng buhay. Pero kinakailangan ba talaga nating baguhing muli ang ating buhay? Araw-araw tayo ay nakakaranas ng bago, tayo ay bumabangon sa isang bagong araw, araw-araw gumagawa ka ng bagong desisyon, kung anong kakainin mo, anong isusuot mo, araw-araw humaharap tayo sa bagong problema at pagsubok. Ang pagkabago ay isang bagay na nararanasan natin araw-araw, dapat siguro tayo ay eksperto na sa bago.



Pero kahit siguro iharap sa atin ang mga bagong realidad hindi natin ito napapansin dahil siguro hindi tayo nagbibigay ng bagong tugon. Siguro nananatili nalang tayo sa mga nakasanayan na kaya tayo naghahangad ng bago. But in fact the new is being offered. Tapos malulungkot tayo at sasabihing "hay, Eto na nanaman kwento ng buhay, paulit-ulit lang." but actually it is a new story but how come it is received as something old as nothing has changed in us?

Siguro iyon ang talagang ating hinihiling, ang biyaya ng bagong pagtingin sa mga bagong realidad na ibinigiay sa atin.

Maging sa ating bansa hiling din natin ang pagbabago lalo na sa mga pangayayari ng mga nakalipas na panahon. Pero paano nga ba ang pagbabagong ito? Who is the agent of newness?

"Then I saw a new heaven and a new earth... And I saw the holy city, new Jerusalem, coming down out of heaven from God...
And He who sits on the throne said, “Behold, I make all things new.”" Rev. 21:1, 2, 5

Ang bagong langit at bagong lupa, ang bagong Jerusalem, ay bumababa mula sa Diyos. Ang pagbabago ay hindi manggagaling sa barangay captain, hindi manggagaling kay Mayor, Governor at kanino pang pulitiko tulad ng sinasabi nila sa kanilang kampanya. Ang pagbabago ay magmumula lamang sa Diyos. At sa bagong Jesusalem wala nang pagluha, sakit at kamatayan. Sa paglalarawan pa lang ng bagong bayang ito kitang-kita na ito ay magmumula lamang sa Diyos. Bilang tao, hindi natin kayang gumawa ng ganoong klasing bayan. Tanging Diyos lamang. Kaya ang pagbabagong ito ay darating sa atin bilang isang biyaya.


At may tinig na nagsalita,  “Behold, I make all things new.” Parang sinasabi ng Diyos, ako ang magbabago sa lahat ng bagay, hindi kayo. Mas maiintindihan siguro natin ito kung babalik tayo sa 1st chapter ng ebenghelyo ni san Juan.
In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. He was in the beginning with God. All things came into being through Him, and apart from Him nothing came into being... -John 1:1-3
Ang lahat ng sangnilikha ay mula sa Diyos at walang umiral na hindi nagmula sa kanya. Pero dahil sa kasalanan ang napakagandang likha niya ay nabahiran ng paghihirap at sakit. At sino ang may kakayanang ayusin yan? Tanging Siya lamang na gumawa ng lahat. The creator is also the re-creator. Ang lumikha ang siya ring magbabago ng lahat ng bagay. We reduce life to nothing, we reduce goodness to nothing, we reduce truth to nothing, we reduce justice to nothing; Who can recreate everything? Only the creator, God.

We need God not only for the primordial act of creation but we need God for that continuing creation that will make all things new.

Kahit naman sa ating simpleng karanasan, Halimbawa, nasira electrical wiring sa bahay, ang una nating iisiping tawagin ay yung electrician na naginstall ng mga yon. Siya ang naglagay, siya ang nakakaalam, siya ang unang tatawagin.



Many times our longing for new beginnings/newness of life are frustrated. Why? Because we do not allow God to renew things. The sad thing is, while we call for renewal we set aside God and we take over: our agenda, our plans, our projects. We embrace the divine task of creating and recreating as though we were the creator. And look at what happens, instead of renewing things, things have become worst. Who knows creation better than God? Who knows history better than God? Sino ang makakapagkumpuni nyan? Siya, Siya ang gumawa eh. Eh tayo ang alam natin manira dahil makasalanan tayo, tapos magpapanggap tayo, "aayusin ko yan." Hello? Paano mo maayos yan eh ikaw nga hindi ayos? Paano mo maayos yan kung ikaw ang alam mo, manira. Sino ang makakapag-ayos? Only God.

Let us look at the past issues in our country, for example the RH law. Sinasabi ng iba ito ay hindi usapin ng Diyos. That is the mindset now, no wonder many things do not change. We are not anymore comfortable with God. As though the entry of God into the world of politics and media is something disgusting. If that is the attitude no renewal will happen.

Now, the church is working for the New Evangelization. I hope all of us will first listen to the voice of God and to be honest to ourselves that we cannot renew the church. Only God has the power to renew the church. We just have to listen and see where God is leading us. The moment we compete with God, it will guarantee, this new evangelization will fail.

God would not allow his beautiful creation just to be destroyed. God will recreate humanity, God will recreate the church thru Jesus. But how Jesus brings newness to creation? Thru his obedience to the Father.


As a faithful, our response must be humility and obedience. To disregard our plans if it is not compatible with the will of God. Let us harmonize our will to the will of God. Like Jesus, we must say, "Not mine, but Your will be done."