This past days, ngiisip ako tungkol sa sarili ko, iniisip ko ang role ko sa mundo, pra saan ba at nandito ako?
Sa mga nakakakilala sakin, na sana nga totoong kilala nila ako. Ako ay isang taong moody, taong mhirap pkisamahan, minsan masayahin minsan sobrang tahimik, laging magisa, mainitin ang ulo. May nagsasabi din na mabait "daw" ako, matalino dn daw, at pde mpgktiwalaan. Yung mga positive n sinasabi nila about sakin, hindi ko agad inaacept, iniisip ko lang na sana mapatunayan ko nga sa sarili ko na totoo ang sinasabi nila.
Sa pagkakakilala ko sa sarili ko, Alam kong bugnutin ako, suplado, madaling mairita sa mga bagay o mga nangyayari na hindi ako komportable, di ako magaling sa pakikipagkaibigian pero marunong akong makipagkaibigan, mahal ko ang aking mga kaibigan. Tahimik ako lalo na kung wala ako sa mood makipagbiruan. Di ako nakikisalamuha sa mga tao dito samin, sa totoo lng wala nga akong kaibigan dito sa lugar namin.
Sa kabila nang lahat ng iyan, Isa lang ang sigurado ako, na kahit totoo marami akong katangian na hindi magugustuhan ng maraming tao, totoo mahirap ako intindihin at pakisamahan, pero alam ko na sa kabila ng lahat ng ito ako ay mahal ng aking Diyos.
Sa kabila ng aking katahimikan, marunong akong magbiro.
Sa kabila ng aking kasungitan, marunong akong tumawa.
Sa kabila ng aking pawang kawalan ng pakialam, marunong akong magalala at makiramay.
Sa kabila ng aking galit, marunong akong magpatawad.
At sa kabila ng aking mga dinaranas, marunong parin akong magtiwala at magmahal.
Marahil iba iba ang pagkakakilala ng mga tao sakin, depende kung gaano ako kalapit sa kanila at kung gaano sila kalapit sa akin. Pero di natin maiiwasan na may mga pagkakataon na kung sino pa yung naging malapit sayo, kung sino pa ung ginagalang at nirerespeto mo,kung sino pa yung pinagkakatiwalaan mo, kung sino pa yung taong minahal at pinapahalagahan mo, sila pa ung taong magiisip nang masama tungkol sayo. Pag uusapan ka na bka may gawin kang ganto o gnyan, pg iisipan ka na prang isa kang kriminal na dapat katakutan.
Hindi na bago sakin na mging iwas ang tao sakin dahil nga sa personalidad na mayroon ako. Halos parepareho ang impresyon ng tao sakin sa tuwing may unang beses na mkikita ako.
Dahil jan. paunti unti ay pinipilit kong baguhin ang aking sarili at alisin ang mga pangit kong ugali. Unti unti ay nagagawa ko naman pero minsan ay ndi maiwasan na bumalik ang ugaling hindi pa tuluyang nawawala.
Minsan naisip ko, ang dinadanas ko ay naranasan ni Hesus, maging ang kyang mga alagad na malapit niyang nging kaibigan at nkasama ay tinalikuran siya pagdating sa krus, yung mga taong sumalubong sa kanya pagpasok sa Jerusalem ay sya ring mga taong sumigaw at humiling na ipako siya sa krus.
Marahil ito ay hamon sa akin, upang tularan si Hesus, na sa kabila ng pagtalikod at pagtatatwa ng knyang alagad, nang oras ng knyang muling pagkabuhay tinawag pa rin niya silang mga kaibigan at kapatid. At ginusto niya na mkipagkita sa kanila sa Galilea. Sa Galilea na kung saan una silang nagkita. Handa si Hesus na mgumpisa silang muli ng knyang mga kaibigan. Ito ang tingin ko ay hamon sa akin ng Diyos na makita ko ang katotohanan, ang katotohanan na kung ano ba talaga ang tingin sa akin ng mga tao. At sa katotohanang ito ay matutunan kong magpatawad at patuloy na magmahal at magsimula muli sa kanya kanyang version namin ng Galilea.
Ipinagdarasal ko, na sana sa mga taong ngiisip ng masama sa akin. Sana biyayaan din sila ng Diyos ng kakayanang magsuri muli, balikan at matuto sa nkaraan at mula doon ay matutong mgsimula muli ng panibagong pakikipag kaibigan. Pinagdarasal ko rin na biyayaan ako ng Diyos ng kakayanang magmahal pra sa mga taong nagiisip ng masama pra sa akin.
Sa mga tao na ngiisip ng masama at nksakit sa akin, hindi ko kayo kilala pero ang masasabi ko lng, bago kyo mgisip ng mga mssmang bgay n pede kong gawin, gusto kong mlaman niyo na iisa ang ating Diyos, kung di nyo man po ako lubusang kilala sana kilala ninyo ang ating Diyos dahil naniniwala at nagsisikap din akong sumunod sa kanya. Para nmn maisip ninyo kung kya ko ba talagang gwin ang mga bagay na iniisip nyo. Marunong po akong mgpatawad at inaanyayahan kita na bumalik at magsimula muli sa ating Galilea kung saan tayo unang ngkakilala.
Sa mundong ito maraming klaseng tao tayong makikilala, May mga taong tunay na magmamahal sa atin, may mga tao din namang nandyan pra tayo ay ibagsak at pgisipan ng masama. Pero ang mahalaga malaman natin na sa bawat taong ating makikilala, sila ay may dalang biyaya galing sa Diyos, maaring hindi ito sa anyo na kaaya-aya pra sa atin pero ang biyaya ay nandyan parin. Matutunan dn sana nating makita gamit ang ating mga mata ng pananampalataya, na katulad mo at katulad ko ang mga taong yan ay nilikha rin sa wangis ng ating Diyos.
Makita sana natin ang Diyos sa bawat isa.
Makita sana natin ang Diyos sa bawat isa.
May your life be truly blessed,
Ash
Ayos ash! :D
ReplyDeleted ka man gusto nan mga taong nkapaligid sayo anjan naman si GOD pra gumabay at handang mgmahal sayo. at tanggap na tanggap ka..
ReplyDeletesalamat.... :)
ReplyDelete