I cannot imagine how those kinds of conclusion came into their mind. Are they living with a family without religion? Or its just that they hate the church so much?
I am very thankful that I have seen a video that somehow enlightens me.
It says:
Sabi ng isang kanta: "Puso kahit hindi turuan, matututunan din ang magmahal"
ang sabi ko naman, "Puso kahit hindi turuan, hinahanap din ang sumamba".
Kahit ang mga taong indeperente sa relihiyon o nagpapanggap na wala silang pinaniniwalaang Diyos ay may nararamdamang udyok sa puso para sumamba.
Nilalang tayong lahat na may pagnanais na makaugnay ang dakilang Diyos.
Balewalain man natin ang pagnanais na ito, hindi maitatangging hinahanap natin ang Diyos, ang nakahihigit sa atin, upang makalaya tayo sa kakitiran at karupukan ng buhay sa lupa.
Subalit sa ating panahon, mayroon tayong bagong kinamimihasnan.
Una, ang pagsamba sa maling diyos tulad ng pera, cellphone, katanyagan, karangyaan, pasarap sa sarili, bisyo at iba pang huwad na diyos. Subalit lalong gumugulo ang kalooban sa pagsamba sa diyos-diyosan.
Ikalawa, para magmukhang moderno at progresibo, umiiwas sumamba sa diyos. 'Corny eh', 'makaluma', 'scientific', 'conservative daw ang pagsamba'. Subalit ang pagsamba sa Diyos ay kaganapan ng ating pagkatao.
Iwaksi na ang yabang, huwag mahiyang sumamba sa tunay na diyos.
manalangin tayo,
O Diyos turuan mo kaming sumamba sa iyo, sambahin nawa ang ngalan mong dakila. Amen
- † Most Rev. Luis Antonio G. Tagle, DD, STD
Bishop of Imus
Kape't Pandasal episode on Sept. 20, 2011
No comments:
Post a Comment
Feel Free to comment..