Yan ang unang linyang nabasa ko ng mgopen ako ng facebook ngayong gabi (Oct. 13). Balitang hindi naman nakakagulat dahil ilang linggo nang my kumakalat na usapin tungkol sa nasabing balita. Unang reaction na nasabi ko, "Ah, inannounce na pla officially". Pero ang hindi ko inasahan ay mabilis itong nagkatotoo. Inasahan ko na lalabas ang balita matapos ang Golden Jubilee celebration.
Ilang linggo na din nung una akong malungkot ng marinig ang balita, pero ngayon mas malungkot dahil totoo na ito. Pero bakit nga ba nakakaramdam ng pagkalungkot ang isang tulad ko kaysa sa magsaya? Malamang hindi lng nmn ako ang ma mixed emotion sa balita na yan, marami ding iba lalo na sa mga taga Cavite, mula sa mga kaparian hanggang sa mga layko na nakasaksi sa kanyang galing at kababaang loob sa kabila ng kanyang katanyagan. Prang nawalan ng kinagisnang ama ang buong diyosesis, pero kalakip nito ang pagtitiwala sa plano ng Diyos para sa ky bishop at pra sa buong lalawigan.
Isang malaking hamon at katungkulan ang ibinigay ngayon sa kanya ng Santo Papa at ng simbahan, pero alam nating lahat na sa kanyang pagmamahal at pagtitiwala sa Diyos makakaya niya ito.
Kung titignan mo ang kanyang credentials, talaga namang kahanga-hanga ang taong ito. Pero sa kabila ng lahat ng yan, makikita mo sa kanya ang kanyang kababaang loob, pagkamasayahin, pagiging malapit sa mga tao at mdarama mo ang kanyang pagmamahal sa simbahan. "Dominus Est", yan ang motto ni bishop Chito, nagpapakita na ang kanyang mga natamo ay kinikilala nia bilang biyayang dahil sa Diyos at galing sa Diyos. Ang Diyos ay talagang hinahayaan niyang kumilos sa kanyang buhay, kaya naman marami ang nabibighani kapag siya ay nagsasalita na at natutuklasan ng marami ang ganda ng salita ng Diyos. Sa kanyang pagiging arsobispo, mas marami ang mkakapakinig sa kanya at mas marami ang mapapalapit sa Diyos dahil sa kanya.
Sa iyong pag-alis sa Diyosesis na iyong minahal at pinaglingkuran, baunin mo ang panalangin at suporta ng sambayanan ng Diyosesis ng Imus para sa iyong bagong tungkulin. Alam naman ng lahat na mas malaki at mas malawak pa ang iyong gagampanang misyon sa simbahan.Gabayan ka nawa ng Espiritu Santo sa lahat ng iyong gagawin.
Damhin mo at baunin ang pagmamahal ng buong sambayanan na iyo ding minahal.
Tulad mo masabi din nawa naming, "It is the Lord!"