Saturday, October 15, 2011

He is No Longer Ours

"We must accept the fact that at this very moment he is no longer ours."

Ito na yata ang isa sa pinakamalungkot na narinig ko ngayon na may kaugnayan sa pag-alis ni Bishop Chito sa diocese of Imus bilang tugon sa itinalagang bagong tungkulin sa kanya ng simbahan bilang Archbishop ng Archdiocese of Manila.



Masaya kaming mga cavitenio pra sa aming mahal na obispo, pero kasabay nito ang lungkot na amin ding ndama dahil siya ay aalis na sa aming diocese. 

Next month mgcecelebrate ang diocese of Imus ng kanyang Ginintuang Jubileo, 50 taong anibersaryo ng Imus bilang isang Diyosesis. Ang tema ay, "Tena't Mag- Ka-Ra-Kol" Ka-hapong kay yaman ating gunitain, Ra-dikal na pagsunod kay Kristo, Kol-ektibong pagkilos. Konseptong binuo at pinlano kasama si Bishop Chito. Mula pa nuong 2009 pinaghahandaan na ang dakilang jubileo ayon sa nasabing tema. Pero ngayon na isang buwan nalang ang nalalabi pra sa pinakahihintay na araw, opisyal na inannounce mula sa Vatican ang pghirang sa aming Obispo bilang bagong arsobispo ng Maynila. 

Hindi inaasahan ang mabili na paganunsyo ng balita. Kung kelan sasapit ang panahon ng pagsasaya, saka naman ibabalita na kami ay mawawalan ng obispo. Madami ang nagsabi, "Sana sa susunod na buwan o taon nalang". Pero galing nadin mismo kay bishop Chito, "Iba kumilos ang panginoon", our ways are not His ways. Sabi nga ng isang pari matapos silang ipatawag ni bishop the day after the announcement, "kung tayo nalulungkot, c bishop napahagulgol". 

Hindi naging madali sa kanya ang pagtanggap sa tungkulin, alam niyang ito ay napakalaking responsibilidad pero dahil sa pagmamahal niya sa Diyos at sa simbahan, tinaggap niya ito. Sa buong Diyosesis ng Imus na kanyang minahal at pinaglingkuran, matuwa tayo para sa kanya, ibahagi natin siya sa iba dahil malaki ang misyon niya sa simbahan. 

Paano magdiriwang sa ganap na katuwaan ang Diyosesis kung alam nating tayo ay lilisanin ng pinakamamahal nating obispo? yan ang tanong na tanging pagtitiwala sa Diyos lamang ang makakasagot. Tunay ngang bishop Chito is no longer ours.



Ngayong Archbishop na siya hindi malayo na magiging Cardinal siya, at pag nangyari iyon my posibilidad na siya ay maging Santo Papa, hindi ko sinasabing magkakatoo yan pero kung iisipin natin, Bishop Chito is the best candidate to papacy that the Philippines has to offer. Isipin nalang natin bilang isang Diyosesis na ibinigigay natin sa Maynila, sa Pilipinas at sa buong mundo ang the best bishop.

Sa kabila ng ligaya at lungkot, DIYOSESIS NG IMUS, MAGBUNYI KA!