Thursday, February 9, 2012

Love, Lover and the Beloved

Pag-Ibig

Anu bang mayroon sa salitang yan na halos lahat ata ay may kanya kanyang interpretasyon. Salita na bumubuhay sa inaantok na diwa kapag napaguusapan. "Pag-ibig" anu bang kahulugan mo?



Maraming klase ng sagot ang mkukha ko kung mgtatanong ako sa mga tao, lalo na ngayon magvvalentines. Ang panahon na kung saan prang halos lahat nghahanap ng partner at ung mga wala, pra bang napakalungkot kapag sumasapit ang araw na iyan. Nababasa ko nga na may nagsasabi pa na "sana mawala na sa kalendaryo ang Feb. 14". Naisip ko, Bakit? kapag ba single ka sa araw na iyan wala ka ng karapatang sumaya? At bakit sa tuwing ipinagdiriwang ang isang okasyon na maykinalaman sa pag-ibig, para bang hindi kumpleto kapag walang partner. Ang pag-ibig ba ay para lang sa magpartner?

Alam natin ang sagot, pero hindi natin ito pinapansin dahil nadadala tayo sa nakikita natin sa mundo. Mundo na hinahaluan ng komersyalismo ang bawat okasyon na halos alisin na ang tunay na diwa ng isang pagdiriwang.

At kung ganyan lng ang tingin natin sa pag-ibig, malamang hindi natin alam ang talagang ibig sabihin nito.

Hindi ako eksperto sa bagay na yan pero hindi ganyan kababaw ang tingin ko sa pag-ibig.
Marahil narinig na nating lahat na ang "Diyos ay Pag-ibig (1Jn. 4:8)". At mula dyan makikita natin kung ano ba talaga ang pag-ibig. Anu ba ang ipinakita sa atin ng Diyos upang sabihing siya pag-ibig?

Ngayong Pebrero, ating ipagdiriwang ang Araw ng mga Puso at sa buwan ding ito ating sisimulan ang panahon ng kwaresma na sisimulan sa pagdiriwang ng Miyerkules ng abo. Tunay nga na ang buwan na ito ay buwan ng pag-ibig. Nasabi ko ito dahil sa panahong iyan natin mas maiintindihan natin ano ba talaga ang pag-ibig.

Sabi ng isang manunulat, "the nature of the gift defines the LOVE".
Kung kayo ay may karelasyon o asawa, wag kayong msyadong maimpress kung ibinibigay sa inyo ng partner niyo ay puro pera, alahas at kung anu-anung regalo, dahil sa ibinibigay nila sa inyo makikita niyo kung mayroon ba talagang pag-ibig. Baka kaya ka binibigyan ng pera ay iniisip maluho ka at jan ka naman sasaya, o baka iniisip materialistic ka edi bibigyan ka nga ng mga regalo.
Pero kapag ang ibinigay ay ang kanyang buong sarili at buhay, malamang pag-ibig na yan.

Kung titignan natin ang Diyos, ano ba ang regalo niya sa atin? Hindi pera, hindi alahas, ang ibinigay niya ay ang kanyang Bugtong na Anak, ang kanyang sarili. And by the nature of the gift, the gift of the only Son,we know the nature of the love, this is the greatest Love of all. Love is in the giving and by the nature of the gift, if the gift is really that precious because "it is My Son", then there must be overflowing love.

Love is total giving for the life of the beloved.

Ganyan ang pag-ibig, kahit alam mo na wala ka namang aasahan at wala ka namang mapapala, patuloy ka paring magmamahal at magbibigay para sa iyong minamahal. Wala nmang makukuha ang Diyos sa pagaalay niya ng buhay eh, It is not about God gaining something, it is God loosing everything so that we may have life. Mabuhay lang tayo.

Kapag tumingin tayo sa krus, huwag lng sana nating makita ang kanyang kamatayan, makita sana natin ang pag-ibig. Pag-ibig na kayang gawin ang lahat para sa minamahal. Tandaan natin na hindi naman kinuha sa kanya ang kanyang buhay, it is given as a gift, it is given as an act of LOVE.



Kaya sa mga walang partner ngayong valentines, we all know where Love can be found. We know that there is a love so pure, this is the Love that is lifted up on the cross.
Behold the cross of Christ.
Behold love at its nakedness, at its deepest.
Behold love at its purest.

Behold the greatest lover of all, Jesus.




May you have a life full of love,

Ash