Saturday, August 6, 2011

TAO TAYO!!!!!

"Nobody is perfect"
"Sorry, TAO lang nagkakamali"
"Sorry, TAO lang natutukso"

Yan ang mga salita na karaniwang nating naririnig kapag my mga kaibigan, kapamilya, kaklase, kasama sa trabaho at kung sinu-sino pang tao na nakakaranas ng pagkakamali. Pag ganyan nga naman ang marinig mo papalag ka pa ba? Syempra maiisip mo TAO ka din at minsan nagkakamali ka rin naman.

Pero, hindi kya ginagamit lang natin yang excuse sa mga bagay na hindi natin maamin na kya natin ginawa ay dahil sa sarili nating kagustuhan? Dapat ba pag humihingi tayo ng patawad sa mga taong nasaktan natin ay lagi nating sabihin ang mga salitang yan? Ibig sabihin ba ay ang pagiging TAO natin ay nagbibigay sa atin ng lisensya para magkamali? Eh kung ganyan lang din naman pala eh magkamali na tayong lahat, tutal pede naman nating sabihin na TAO lang tayo....

Totoo naman na tao tayo,nasasaktan, natutukso, pero wag naman natin gawin itong excuse sa ating pagkakamali. Dahil aminin man natin o hindi, dumadating sa punto ng buhay mo na ginusto mong gawin ang pagkakamaling iyon. Sana lang sa bawat gagawin natin matuto tayong isipin ang mga magiging bunga ng bawat ikikilos o sasabihin natin. At kung hindi man natin maisip ito, sana matuto tayong tumanggap na nagkamali tayo dahil sa dumating sa punto na ginusto nating gawin ang mga bagay na iyon, hindi dahil sa TAO lang tayo.



Ang mga TAO ay binigyan ng kakayahang magdesisyon. Gamitin sana natin ito ng maayos at maging responsable tayo sa bawat gagawit at sasabihin natin. At ang mahalaga ay matuto tayo ng mga leksyon sa bawat pagkakamali natin.

Gamitin natin ang ating pagiging tao para panindigan at panagutan ang anu mang ating nagawa...

Para sakin mas magandang isipin natin ang kahinaan ng pagiging tao sa oras na tayo ay magpapatawad. Kapag may UMAMIN at humingi ng tawad sa atin, pde nating isipin na siya ay tao din na may kahinaan at may karupukan. At dahil dito sana matuto tayong magpatawad.

Gaano kagandang mabuhay sa mundo na ang lahat ay marunong tumanggap ng pagkakamali at ang lahat ay marunong magpatawad..

Kung sasangayon kayo o hindi, nasa inyo yan. Ito ang aking opinyon dahil tao ako.


Ash

No comments:

Post a Comment

Feel Free to comment..