Tuesday, October 4, 2011

Happy TEACHER's Day

Happy World TEACHER's day...

Sa araw na ito nais ko pong magpasalamat sa mga taong my espesyal na lugar sa aking puso. Ang mga taong naghasa at nagbigay ng napakaraming kaalaman sa aking isipan. Mga taong nagpadama sa akin na pwede akong pagkatiwalaan. Mga taong naniwla sa aking kakayahan.



Isang kahanga hangang propesyon ang pagiging guro. Hindi matatawaran ang kanilang naiaambag sa buhay ng isang mag-aaral. Lahat ng kanilang itinuturo mula sa pinakamaliit na detalye hanggang sa pinaka malaki ay may mahalagang bahaging ginagampanan sa paglinang sa isip ng bawat mag-aaral. Ang pagiging guro na ata ang isa pinakamahalagang propesyon na mayroon ang ating mundo. Isipin nlng natin kung wala sila? Sino nalang ang magtuturo sa atin? Paano natin mararating ang ating mga pangarap kung wala ang mga guro.

Minsan, nagagalit man tayo sa kanila dahil sa mga pinapagawa nila sa atin pti na ang paraan nila ng pagdidisiplina, darating ang panahon na malalaman natin na tama sila at maiintindihan natin kung bakit nila tun ginagawa.

Para sa akin ang pagiging guro ay hindi lamang propesyon kundi isang bokasyon. Dahil sa mga guro ibinigay ng Diyos ang katungkulang hubugin ang bawat magaaral upang pagdating ng panahon maisakatuparan ng bawat tao ang kanya kanya nating tungkulin ayon sa plano ng Diyos.

Marami p ako gusto sabihin pero jan nlng muna... :)

Isang pagsaludo at maligayang pagbati pra sa aking mga guro,

Ms. Jeanny Garcia
Ms. Emilyn Donor
Mr. Richard Arocha
Mr. Ryan Castillo
Ms. Deb Nuque
Ms. Rocelle Uriarte
Mr. Ramil Espiritu
Mr. Cris Espiritu
Mr. Bantados
Sir Bunag
Ms. Sophia Poblete
Mr. Roby Sardon
Mr. E. Barco
Mr. Tamaca
Mr. Maderal
Ms. Bautista
Mr. Samac

at ang pinaka pinanghihinayangan ko dahil hindi ko xa nging teacher.. haha
Titser Allen Saraza

Pati na rin sa mdami ko pang naging guro na hindi ko naisulat at sa mga guro sa buong mundo..
Maraming Salamat sa inyo!!!!
Happy Teacher's Day po sa inyong lahat.



May the Lord bless you with so much joy in teaching and give you more knowledge to share. May all of the teachers in the world imitate Jesus as a teacher who always teach with love and always believe on the capacity and skills of His students.


With Love,

Ash